Skip to primary navigation | Skip to secondary navigation | Skip to content | Skip to footer
Problems viewing this site
Home > Seniors > Important information for Queensland Seniors (Tagalog)

Mahalagang impormasyon para sa mga nakatatanda ng Queensland

Sa loob ng susunod na 15 taon ay tinatayang darami nang higit sa doble ang bilang ng mga taga-Queensland na may edad na 65 taon o mas matanda pa at kung ihahambing sa pangkalahatang populasyon ay mas mabilis ang pagdami ng bilang ng mga tao sa pangkat na may ganitong edad na di-Ingles ang tubong wika.

Hinihikayat ng Queensland Department of Communities (Kagawaran ng Queensland sa mga Komunidad) ang kasarinlan at pagkakasari-sari para sa mga mas nakatatandang taga-Queensland at nakikipagtulungan sa komunidad, industriya at pamahalaan upang maisulong ang mga interes at isyu ng mga mas nakatatanda.

Kabilang sa mga larangang pinahahalagahan ng kagawaran ay ang mga concession at diskwento para sa mga nakatatanda, pag-iwas sa pag-aabuso ng matanda, paglahok sa lipunan, pagpaplano sa pagretiro, mga isyung ligal, pagiging lolo/lola at mga isyung multikultural at katutubo.

Queensland Seniors Council (Konseho ng Queensland para sa mga Nakatatanda)

Ang Queensland Seniors Council ay isang mahalagang tagpuan para sa palitan ng impormasyon at mga ideya sa pagitan ng mga nakatatanda at ng Pamahalaang Queensland. Nagbibigay ng payo ang konseho ukol sa mga isyu at ikinababahala ng mga mas nakatatandang taga-Queensland at ang payong ay ginagamit upang matulungan ang pamahalaan na makabuo ng mga patakaran, programa at serbisyo na mapaghuhusay ang mga buhay-buhay ng mga mas nakatatanda sa estado.

Upang makipag-ugnayan sa Queensland Seniors Council tawagan ang numerong:

Telephone:
(07) 3225 8031

Ang pagtataguyod ng magandang paglalarawan ng mga nakatatanda

Ang Department of Communities, sa pamamagitan ng Office for Seniors (Tanggapan para sa mga Nakatatanda) nito, ay nag-oorganisa at lumalahok sa isang hanay ng mga kaganapan na nagsusulong at kumikilala sa mga naitutulong at natatamo ng mga mas nakatatanda sa komunidad.

Ang Seniors Week (Linggo ng Nakatatanda) ay isang taunang kaganapan sa buong estado na ipinagdiriwang ang naitutulong ng mga mas nakatatanda sa ating lipunan at naglalayong maitaguyod ang malusog na pagtanda.

Ang Department of Communities ay nagbibigay ng mga paggawad sa mga lokal na pangkat ng pamahalaan at komunidad para sa mga kaganapan ng Seniors Week. Para sa impormasyon kung paano makakapag-aplay ng pondo ang iyong komunidad:

Telephone:
(07) 3224 2625
Telephone:
1300 135 500 (walang bayad)
Website:
www.communities.qld.gov.au/department/funding/olderpeople/

Ang Premier’s Awards for Queensland Seniors (Parangal ng Premier para sa mga Nakatatanda ng Queensland) ay isang taunang gawain na nagbibigay-pabuya sa mga mas nakatatandang taga-Queensland para sa kanilang napakahusay na boluntaryong pagtulong sa kanilang lokal na komunidad. Maaaring makakuha ng mga dokumento sa pagnomina sa pamamagitan ng:

Telephone:
(07) 3224 2625
Telephone:
1300 135 500 (walang bayad)
Website:
www.communities.qld.gov.au/seniors/events/premiersawards/

Mga Concession

Ang Pamahalaang Queensland ay naghahandog ng mga concession sa mga may-hawak ng Pensioner Concession Card (Tarheta sa Concession ng Pensyonado), Repatriation Health Card – For All Conditions (Gold Card) (Tarhetang Pangkalusugan sa Pagbalik-mamamayan – Para sa Lahat ng Kalagayan (Gintong Tarheta)), Health Care Card (Tarheta sa Pangangalaga ng Kalusugan) o Queensland Seniors Card (Tarheta ng Nakatatanda ng Queensland). Ang mga Pensioner Concession Card, Gold Card at mga Health Care Card ay ibinibigay kasama ng kabayaran ng Pamahalaang Komonwelt.

Kung mayroon kang alinman sa mga nabanggit na tarheta ikaw ay maaaring karapat-dapat ka para sa mga balik-bayad para sa:

  • buwis sa Community Ambulance Cover (Saklaw ng Ambulansya ng Komunidad)
  • mga bayarin sa konseho
  • paglalakbay sa bus, tren at ferryl
  • mga gastusin sa kuryente
  • mga bayarin sa pagrehistro ng sasakyan at iba pa.

Upang alamin ang iyong pagiging karapat-dapat na makatanggap ng mga kabayaran ng Pamahalaang Komonwelt sa wikang maliban sa Ingles, tawagan ang Centrelink Multilingual Service sa:

Telephone:
13 12 02 (gastos ng isang lokal na tawag)

Makakatulong din sila ukol sa mga katanungang may kaugnayan sa Department of Veterans’ Affairs (Kagawaran ng mga Kapakanang Pangbeterano).

Maaari ka ding maghanap ng impormasyon ng Pamahalaang Komonwelt ukol sa pagiging karapat-dapat sa:

Centrelink

Website:
www.centrelink.gov.au

Department of Veterans' Affairs

Website:
www.dva.gov.au/pensions/elmnet/elmnetindex.htm

Upang makakuha ng kopya ng libretong 'Concessions made easy' na naglalaman ng karagdagang impormasyon ukol sa mga concession ng Pamahalaang Estado, tawagan ang Concessions Unit ng Department of Communities’ sa:

Telephone:
(07) 3247 5941
Telephone:
1800 460 849 (walang bayad)
Website:
www.communities.qld.gov.au/community/concessions/

Seniors Card (Tarheta ng Nakatatanda)

Ang Seniors Card ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang magamit ang:

  • mga concession ng Pamahalaang Queensland
  • mga diskwento sa mga negosyo sa buong Australya at
  • isang direktoryo ng mga negosyo sa iyong lugar na nagbibigay ng mga diskwento.

Ang mga residente ng Queensland ay maaaring mag-aplay na makakuha ng isang Seniors Card kung sila ay nagtatrabaho nang mas mababa sa 35 oras sa isang linggo nang may bayad at sila ay:

  • 65 taong gulang o higit pa, o
  • 60 hanggang 64 taong gulang at may hawak na concession card mula sa Centrelink o sa Department of Veterans’ Affairs ng Commonwealth.

Apply for a Seniors Card or Seniors Business Discount Card

Seniors Business Discount Card

Ang mga residente ng Queensland na may edad na 60 taong gulang o higit pa ay maaaring mag-aplay na makakuha ng Seniors Business Discount Card kahit gaano katagal silang nagtatrabaho nang may bayad sa isang linggo.

Ang Seniors Business Discount Card Ang Seniors Card ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang magamit ang:

  • mga diskwento sa mga negosyo sa buong Australya at
  • isang direktoryo ng mga negosyo sa iyong lugar na naghahandog ng mga diskwento.

Walang makukuhang mga concession ng Pamahalaang Queensland mula sa Seniors Business Discount Card.

Apply for a Seniors Card or Seniors Business Discount Card

Ang Seniors Cards at Seniors Business Discount Cards ay libre – hindi kailangang palitan ang mga ito maliban kung ang mga ito ay manakaw, mawala o masira.

Ang Seniors Card ay isang boluntaryong programa para sa mga nakatatandang nasa Queensland. Maaari kang mag-aplay na makakuha ng Seniors Card o Seniors Business Discount Card sa pamamagitan ng:

Telephone:
13 13 04 (walang bayad)
Telephone:
1800 175 500 (walang bayad)
Website:
www.communities.qld.gov.au/seniorscard/

Ang application form para sa Seniors Card ay kailangang mapunan sa wikang Ingles. Kung kailangan mo ng tulong na mapunan ang dokumento sa wikang Ingles, tawagan ang:

Name:
Translating and Interpreting Service
Telephone:
13 14 50 (gastos ng isang lokal na tawag)

at humiling na kontakin ang:

Name:
Seniors Card
Telephone:
13 13 04 (gastos ng isang lokal na tawag)
Telephone:
1800 175 500 (gastos ng isang lokal na tawag)

Mga kapaki-pakinabang na mapagkukunan ng impormasyon

Ang Seniors Enquiry Line (Linya sa Pagtatanong ng mga Nakatatanda) ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga panlipunang gawain, mga concession, mga isyung ligal, nagsasariling pamumuhay, pagiging lolo/lola, kalusugan, pera at pagreretiro.

Kumontak sa Seniors Enquiry Line sa pamamagitan ng:

Telephone:
1300 135 500 (gastos ng isang lokal na tawag)
Website:
www.seniorsenquiryline.com.au

Nagpaplanong magretiro?

Ang Office for Seniors ay may binuong Isang gabay sa pagreretiro – pagpaplano ng estilo ng iyong pamumuhay upang makatulong sa iyo sa pagpaplano ng iyong pagreretiro. Ang libreto ay makukuha sa pamamagitan ng:

Telephone:
(07) 3224 2625
Telephone:
1300 132 654 (walang bayad)
Website:
www.communities.qld.gov.au/seniors/publications/guide-to-retiring/

May kilala ka bang mas nakatatanda na minamaltrato ng isang taong malapit sa kanila?

Ang Elder Abuse Prevention Unit (Yunit sa Pag-iwas sa Pag-aabuso sa Nakatatanda) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong pang-impormasyon, suporta at reperal sa pamamagitan ng telepono telepono sa buong estado para sa sa sinumang nakararanas ng pag-aabuso o nakasaksi ng pag-aabuso ng isang nakatatanda.

Ang mga libretong pang-impormasyon ay makukuha sa 15 wika at ang mga sesyong pang-impormasyon ay maaaring makuha ng mga grupong pangkomunidad. May makukuha ding pagsasanay para sa mga mag-aaral sa kolehiyo at sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa loob ng komunidad.

Para sa kompidensiyal na impormasyon, suporta at reperal:

Telephone:
1300 651 192 (gastos ng isang lokal na tawag)
Website:
www.eapu.com.au